Header AD

Pagbi-videoke ni Roque habang sumisigaw ng tulong ang mga taga Cagayan valley, Binatikos

Harry Roque

 


Binatikos ng ilang netizen si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kumalat ang video niya na nagbi-videoke at nagsasaya sa Baguio City Biyernes ng gabi habang dumadaing ng tulong ang mga residente na nilubog sa baha ng bagyong Ulysses.


Binahagi ng Twitter user na si @camelskie ang video ni Roque habang kumakanta ng “Pare Ko”.


“This was taken last night here in Baguio. It goes to show that the people who have the power doesnt really care about their fellowmen,” react ni @camelskie.


Shinare rin ni Twitter user @MiaMagdalena ang video at sinabing, “Harry Roque was at the Baguio Craft Brewery drinking and singing while Cagayan valley was inundated with water and people were fighting for their lives. Ano ba naman ito? ‘Di ba? Tangina?”


Saad naman ng original na nag-tweet na si @GaryLouieBacani, “The audacity of this man to celebrate while a lot of our countrymen are suffering. Kagabi lang to!”




Sa inilabas niyang statement, sinabi ni Roque na, nag-“unloading” lang siya matapos ang isang hectic week.

“Just when I thought I could unload a little after a hectic week/s, my unremarkable singing as a means of unloading goes public and I get a beating,” paliwanag ni Roque sa inilabas na statement.

“Having said this, let us go back to the most pressing matter at the moment, which is providing the much-needed assistance to our distressed brothers and sisters in the aftermath of typhoon Ulysses.

“As I speak, my family and I are preparing/repacking 600 bags of rice for donation in Alcala, Cagayan Valley where my friend and previous law partner and his family reside. Let us unite, help, and be kind to our fellow Filipino,” dagdag niya.

Source: ABANTE TNT

Pagbi-videoke ni Roque habang sumisigaw ng tulong ang mga taga Cagayan valley, Binatikos Pagbi-videoke ni Roque habang sumisigaw ng tulong ang mga taga Cagayan valley, Binatikos Reviewed by TNS Correspondent on Saturday, November 14, 2020 Rating: 5

No comments