Header AD

Sharon sa DDS: Mga kampon yata kayo si satanas

Sharon sa DDS: Mga kampon yata kayo si satanas



Balik talak ulit si Sharo Cunete, at sempre ang Sentro ng kanyang mga lintaniya sa Instagram ay ang mga nambababoy sa kanyang pagkatao.

"Sana ba nagsimula lahat ng kaguluhang ito? Hindi po ba sa kanila din? Pinagtatanggol ang kasamaan at pambababoy ng isang kasapi ng kulto nila. Binabaligtad at binibigyang kulay ang ilang mga nasabi ko sa galit, na ang iba naman ay di patungkol sa bastos na yon kundi ibang taong napatawad kona.

"Eh laos na laos na po ako. Wala na dapat akong importasya! wala na dapat meaning o atensyon ang anumang lumalabas sa bibig ko kasi wala na akong relevance di ba yan ang sabi nyo? so bakit binibigyan nyo ako ng 100% na atensyon at lahat ng post nyo nitong mga araw na ito ay paninira lang sakin?" Bahagi ng post ni Sharon.

"“Ngayon lang nga ako nagalit ng ganito. Kasi ngayon lang mula nung naging Pangulo si Pres. Duterte kayo nauso at nauso ang mga masasagwa at di masikmurang mga salita ninyo sa kapwa.



“Parang wala nga kayong Diyos. Mga kampon yata kayo ni satanas eh. Walang takot. Nakakahiya. Yuck! Tapos tinatanong niyo ako kung disente ako? Hahahaha?”

"Mas masahol pa kayo sa COVID-19. Dahil makakahanap din ng vaccine para dyan at may gumagaling naman na marami-rami rin kahit paano at wala pang gamot. eh kayo? Wala po kayong gamot. May sakit na sa kaluluwa na buhay pa kayo baka sinusunog na , wala na nga kayong puso, may incurable lason pa kayo sa utak""

"Luma na ang style nyo. Never ako matatawag na "dilawan". Obvious ba kahit nga party ng asawa ko yun wala ako noon? pero parang si Mar Roxas at Bam Aquino lang nung kampanya yan. Balita ko araw-araw libo-libo kayong tumutira sa kanila. Pero exactly  one day after election, ZERO bashing ang natanggap nila Buking na kayo""

Well Obyus naman kung sino ang tinutukoy ni Sharon di ba?


Sharon sa DDS: Mga kampon yata kayo si satanas Sharon sa DDS: Mga kampon yata kayo si satanas Reviewed by TNS Correspondent on Sunday, July 12, 2020 Rating: 5

No comments