Header AD

Chinese National nanakit sa traffic enforcer posibleng ma-deport

Chinese National nanakit sa traffic enforcer posibleng ma-deport

Inirekomenda ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration na patawan ng deportation case ang babaeng Chinese national na nag-viral matapos umanong magwala at manakit ng siklista at traffic enforcer sa Makati City.

Chinese National nanakit sa traffic enforcer posibleng ma-deport

Sa Laging Handa public briefing Sabado, sinabi ni Melvin Mabulac, tagapagsalita ng BI at hepe ng National Operations Center ng ahensiya, na ang dayuhan ay isang turista lamang at hindi pa nakapag-comply ng requirements para i-update ang kaniyang status.

Overstaying na raw ang naturang Chinese at lumalabas pa na isa siyang undesirable alien.

Chinese National nanakit sa traffic enforcer posibleng ma-deport

Iginiit ni Mabulac na hindi nirespeto ng dayuhan ang awtoridad ng Pilipinas at hindi dahil bisita siya ay hindi na siya susunod sa batas ng bansa.

Sinabi ni Mabulac na kailangan mapanagot din ang sinumang nagkasalang dayuhan sa iba pang kaso na isinampa sa kanila bago pa tuluyang palayasin ng bansa.

Source: ABS-CBN
Chinese National nanakit sa traffic enforcer posibleng ma-deport Chinese National nanakit sa traffic enforcer posibleng ma-deport Reviewed by TNS Correspondent on Saturday, July 11, 2020 Rating: 5

No comments