Duterte dinipensahan si Calida : "Yan man ang negosyo niya bakit niyo siya i-fire out" - Fact News Philippines

Header AD

Duterte dinipensahan si Calida : "Yan man ang negosyo niya bakit niyo siya i-fire out"


Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida sakabila nang mga panawagang mag-resign na ito sa pwesto dahil sa P261 Milyon na kontrata ng Gobyerno na napunta sa Security Guard Agency na pagmamay-ari ng kanyang asawa.

Sa pahayag ng pangulo habang nasa south korea sinabi nitong bakit nila paalisin sa pwesto si Calida gayong nigosyo ni Calida ito pati nang kanyang tatay na sundalo.


“Yung kay Calida naman, bakit niyo siya i-fire out na long before he became a Sol Gen? ‘Yan man ang negosyo niya, ‘yan ang negosyo ng tatay niya kasi ‘yung tatay niya sundalo. Actually, inherited ni Calida ‘yan. I know that because he’s from Davao. Eh ‘yun ang hanap-buhay nila noon. Basta may bidding lang. Basta may bidding,”

Dagdag ng pangulo kahit anong uri ng kontrata sa gobyerno hangga't may biding ay walang problema.

“Anything in government, mag-bidding ka. Okay lang, walang problema ‘yan. Ang problema, walang bidding. Lahat may bid, may nanalo. Kung siya ang nanalo, ‘di siya,”

“Ano ba ibig sabihin, putulin mo ‘yung hanap-buhay ng tao? Why? Are you sure that you will be there for all time? Tsaka ilan naman sweldo?”

Source: Politiko
Duterte dinipensahan si Calida : "Yan man ang negosyo niya bakit niyo siya i-fire out" Duterte dinipensahan si Calida : "Yan man ang negosyo niya  bakit niyo siya i-fire out" Reviewed by TNS Correspondent on Sunday, June 03, 2018 Rating: 5

No comments